7-taong gulang na bata, pinatay sa suntok at sakal sa Sariaya, Quezon; isa pang menor de edad, sugatan

Wala ng buhay nang matagpuan ng kanyang ama ang isang 7-anyos na batang babae matapos umano itong pagsusuntukin at sakalin ng isang lalaking may lucid interval o short-term dementia sa Barangay Morong, Sariaya, Quezon nitong Sabado, Enero 6.

Ayon sa police report, naglalaro noon ang biktima kasama ang isa pang batang babae sa kanilang bakuran nang lapitan ito ng mga suspek.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nang makarating ang mga ito sa liblib na lugar ay bigla na lamang umanong pinagsusuntok ng suspek ang dalawang bata at iginapos ang mga ito.

Samantala, nagawa namang makatakas at magtago ng isa sa mga biktima kung saan nang makauwi ito ay agad itong humingi ng tulong.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang suspek umano ay may lucid interval o short-term dementia at ang tingin umano niya sa mga biktima ay mga mannequin.

Sa ngayon, himas-rehas na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Murder at Frustrated Murder.