Ex-IATF adviser, nais isama ang Indonesia sa travel ban

Hinihiling ng dating adviser ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na isama ang Indonesia sa listahan ng mga bansa na nasa ilalim ng travel ban hanggang sa July 15 dahil sa severity ng epekto ng Delta variant sa kalapit na Southeast Asian country.

Ayon kay dating task force adviser Tony Leachon, sa tingin niya ay kailangang isama ang Indonesia bilang ito ay may surge ngayon ng infection at malapit sila sa Pilipinas lalo na sa southern border.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Mababatid na pinalawig ng Pilipinas ang ban sa mga travelers mula sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman, at sa United Arab Emirates hanggang sa mid-July, para pigilan ang pagkalat ng Delta variant, na mas nakakahawang COVID-19 variant.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Pero ayon kay IATF Spokesperson Harry Roque, hindi na kailangang magpatupad ng ban sa Indonesia, sa halip ay ipagpapatuloy nalang ng gobyerno ang pagpapalakas sa border protocols sa mga travelers mula sa mga kalapit na bansa.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, nauna nang nag-ban ang Hong Kong laban sa mga passenger flights mula sa Indonesia, at iginiit na ang kanilang pagdating sa naturang bansa ay “extremely high risk” para sa COVID-19. // MHEL PACIA-TRINIDAD