Ilan pang vaccination sites sa Olongapo, bubuksan

Bubuksan ng Local Inter-Agency Task Force Against Covid19 ang iba pang mga vaccination sites sa Olongapo.

Ito ay sa oras na dumami ang suplay ng bakuna sa lungsod kontra corona virus disease.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, iisang vaccination area lang ang ginagamit sa ngayon dahil sa limitadong bilang ng mga bakuna.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Matatandaan, bago pa magsimula ang vaccination program, anim na sites ang inihanda ng local IATF sa Olongapo para maiwasang maipon ang mga magpapabakuna na posibleng pagmulan ng pagkalat ng corona virus.//Christian ANdres-BNFM OLONGAPO