Mayor Gatchalian, sinuspinde ang business permit ng NexgGreen Corp. matapos magpasweldo ng barya sa empleyado

Sinuspinde na ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang business permit ng NexGreen Corporation matapos itong magpasuweldo ng tig-lima at dyis sentimos sa isa sa kanilang empleyado. 

Sa pagharap ng mga tauhan ng Nexgreen Enterprise kay Mayor Gatchalian ngayong umaga, sinabi ng may-ari ng Nexgreen na si Jasper So na nagkamali lamang ang pagbibigay ng tig babaryang sahod sa factory worker na si Russel Manosa.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Pero iginiit ni Manosa na naniniwala syang sinadya ng kumpanya na sahuran sya ng tig babaryang nagkakahalaga ng P1,056.

Batay sa computation ng Valenzuela City, kailangang bayaran ng NexGreen si Russel ng mahigit P55,000 na kulang at di nabayarang overtime at holiday pay.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Di umano lalabanan ng Nexgreen ang mga reklamo sa kanila. 

Bibigyan ang kumpanya ng 15 araw para ayusin ang mga reklamong kinahaharap nito.

Ayon pa kay Mayor Gatchalian, maghahain din sila ng legal na kaso laban sa NexGreen.