Pangulong Marcos, muling inimbitahan ang publiko sa Palasyo

Muling inanyayahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang publiko na bumisita ngayong kapaskuhan sa Palasyo.

Sa video message ng Pangulo ngayong umaga, inimbitahan nito ang pamilyang Pilipino sa open house ng Palasyo habang merong simbang gabi.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Meron rin anyang libreng pagkain tulad ng bibingka at puto bumbong.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Hinikayat din ni Marcos na isama ang mga bata sa pamamasyal sa Palasyo.

Samantala magtatagal ang simbang gabi sa Malacañang hanggang December 24.