Taxi driver na naningil ng P10K na pamasahe – tukoy na ng DOTr

Natukoy na ng Department of Transportation (DOTr) ang taxi driver sa viral video na naningil sa mga pasahero nitong Taiwanese ng P10,000 kada-tao para sa maikling biyahe sa pagitan lang ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Maliban sa drayber, kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na maging ang operator ay tukoy na rin.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Dahil dito, naglunsad na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ng manhunt operation para sa taxi driver na maaaring nagtungo na umano sa probinsya.

Naniniwala si Bautista na mahuhuli rin ng batas ang nagmaneho ng taxi sa sandaling matapos at makumpleto na ang imbestigasyon.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mababatid na sa isang social media post, dinala ng isang security guard sa NAIA ang mga Taiwanese nationals sa taxi.

Ni-lock umano ang mga ito sa loob ng sasakyan nang hindi pumayag magbayad ng P10,000 pasahe – na kalaunan ay naging P5,000 na lamang.