Nawawalang lalaking Briton simula 2017, natagpuan na sa France

Natagpuan ang walong taon nang nawawalang batang Briton na lalaki sa Toulouse – isang bulubunduking rehiyon sa Southern France.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Kinilala ng French authorities ang lalaki na si Alex Batty.

Batay sa ulat, 11 taong gulang noon si Batty nang mawala siya kasama ang kanyang lolo at ina habang namamasyal sa Malaga, Spain.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Ayon sa Toulouse public prosecution, babalik ang bata sa England at doon uumpisahan ng British authorities na imbestigahan ang kaso ni Batty.