San Beda – 2 dekadang nagdomina sa Men’s Swimming sa NCAA

Nakamit ng San Beda University ang dalawang dekada na pagdomina sa Men’s Swimming Championship sa NCAA Season 99.

Tinanghal na Most Valuable Athlete si Jake Evangelista at Coach of the Year ang kanilang mentor na si Dondon Roxas.

Para sa koponan, nagbunga ang kanilang mentalidad na hindi sila kampeon kundi mga gutom na challengers.

Nasungkit ng De La Salle College of St. Benilde ang first runner up trophy; habang ikatlong puwesto naman ang University of Perpetual Help System Dalta.