Pilipinas pag-aaralan ang posibleng pagbalik loob sa ICC

Pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibleng pagbabalik loob ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Kinumpirma ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga panawagan ng Kamara na makipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Pero ayon kay Pangulong Marcos kailangan pa ring sagutin ang tanong kung may hurisdiksyon ba ang ICC na isagawa ang imbestigasyon.

Taong 2019 ng tuluyang bumaklas ang Pilipinas sa ICC, isang taon matapos simulan ng korte ang paunang imbestigasyon sa war on drugs.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Giniit din ng pangulo na hindi tama para sa isang banyagang grupo na magdesisyon na kung sino ang kanilang iimbestigahan o aarestuhin gayung gumagana naman ang justice system sa bansa.

Handa naman si Senator Ronald Bato Dela Rosa sa kung ano man ang kahahantungan ng desisyon ng pangulo.