Idineklara na ng World Health Organization na isang public health concern ang kalungkutan.
Ayon sa WHO 1 sa 4 na matatanda sa buong mundo ay socially isolated o ‘yung mga taong walang makausap na nangangailangan ng tulong.
Sa bawat teenager naman 1 hanggang 3 sa 20 katao ang nakakaranas ng loneliness o kalungkutan sa pag-iisa.
Sinabi ng WHO na masama sa kalusugan ang labis na pagdaramdam at para na rin aniyang nanigarilyo o uminom ng sobra sobra ang mga nakakaranas nito.
Para naman sa isang Clinical Psychologist maraming posibleng dahilan ng labis na kalungkutan at mas lalong lumalabas ito sa tuwing kinukumpara ang sarili sa iba.
Kaya payo ng ilang eksperto na maging mabait sa sarili.
Para sa mga nangangailangan ng tulong maaaring tumawag sa numero ng National Center for Mental Health (0966-351-4518) at sa Hopeline PH (0918-873-HOPE (4673).
