Pilipinas, pinabulaanan ang pahayag ng China na nag-uudyok ng gulo ang bansa

Pinabulaanan ng gobyerno ang pahayag ng China na pang-uudyok ng gulo ang paghingi umano ng tulong sa Amerika ngayong may joint patrol ang dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning sinabi ng China na hindi dapat makaapekto ang joint patrol sa teritoryo, sovereignty, at Maritimes rights ng China.  

Umugong naman ang usapin na sinabi ng China military na humingi ng tulong ang Pilipinas sa mga bansa mula sa ibang rehiyon para magpatrol na tila pag-uudyok anila ng gulo at nagpapahina sa kapayapaan ng rehiyon.

Pinabulaanan ‘yan ng National Security Council ng Pilipinas at nagsasagawa lang ng joint patrol ang Pilipinas at Amerika.

Sinabi pa nito na hindi hahayaan ng Pilipinas ang anumang pagtatangka i-undermine ang mga lehitimong aksyon para maprotektahan ang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.

Kinumpirma naman ng Philippine Air Force na binubuntutan ng China ang ginagawang joint patrol ng Pilipinas.

Tinutulan naman ng China ang inihaing resolusyon ng Pilipinas at Indonesia sa Asia Pacific Parliamentary Forum na naglalayong gamitin ang United Nation Convention on the Law of the Sea para madesisyunan ang lahat ng pagtatalo tungkol sa maritime security.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *