Boto ng nanalong barangay Chairman na diskwalipikado, ikukunsiderang ‘stray votes’; Election Officer, maaaring matanggal sa posisyon

Iniimbestigahan nga­yon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkapanalo ng isang kandidato sa pagka-Barangay Chairman sa Aroroy, Masbate na una nang diniskwalipika dahil sa nahatulan na sa isang kasong criminal habang ang Election Officer naman ng nasabing bayan ay maaaring matanggal sa kaniyang posisyon.

Ipinag-utos na ang administrative investigation laban sa Election Officer IV ng Aroroy na si Magdie Moran na inatasan na umano noong Oktubre 25 na ipatupad ang Resolution ng Comelec En Banc na kanselahain at tanggalin ang pangalan ni Aniano Pancho Capinig subalit hindi ginawa ng opisyal at sinuspendi lamang ang proklamasyon ng nasabing Kapitan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maaaring matanggal sa posisyon si Moran dahil sa ‘gross insubordination.’

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, inaprubahan na ng En Banc ang rekomendasyon na ang mga boto na nakuha ni Capinig ay ikukuksiderang mga ‘stray votes.’

Aniya, ang kandidatong nakakuha ng ikalawang pinakamaraming boto ang ipo-proklamang nagwagi para Brgy Chairman.