Covid-19 case sa Angeles City, umakyat na sa mahigit 6, 500

Umakyat na sa mahigit 6,500 ang COVID cases sa Angeles city.

Sa datos na inilabas ng kanilang City Information Office, merong syam na nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, dahilan para sumampa sa 6, 504 ang kanilang total confirmed cases.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Mula sa nasabing bilang, 326 pa ang aktibong kaso. Habang naka rekober na ang nasa 5, 883 matapos itong madagdagan ng 11 kahapon.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Wala namang naitalang bagong nasawi, kaya nananatili ngayon sa 295 ang kanilang death toll.