‘Blue Room,’ wagi sa LA Femme International Film Festival

Nanalo ang Cinemalaya hit na pelikulang “Blue Room” bilang Best Foreign Film sa ika-19 na edisyon ng LA Femme International Film Festival (LAFIFF) sa Los Angeles, California.

Ang directorial debut ni Ma-an Asuncion-Dagñalan ay ang unang pelikulang Pilipino na ginawaran sa LAFIFF, na isang international festival para sa mga pelikulang gawa ng kababaihan.

Read More:  Ate Gay’s family announces wake and funeral details

Binati naman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) si Asuncion-Dagñalan at ang buong team ng “Blue Room” para sa kanilang historic achievement.

Read More:  Andrea Brillantes opens up about alleged friendship fallout with Bea Borres

Maalalang nakakuha ang pelikula ng ilang parangal sa Cinemalaya, kabilang na ang Special Jury Prize, Best Direction, at Best Cinematography.