Sinampahan na reklamong grave threats si dating pangulong Rodrigo Duterte ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kaugnay ng mga banta umano nito sa mambabatas na umere sa TV at online.
Bagama’t hindi pinangalan ni Duterte kung sino ang kanyang binabantaan kumpiyansa naman si Castro na siya ang pinapatamaan ng dating pangulo.
Isa si Castro sa pumuna sa hinihinging confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education pero kalaunan ay inilipat na ito ng Kamara sa mga ahensya at institution na ngangasiwa sa seguridad sa West Philippine Sea.
Agad namang dinepensahan ni Atty. Salvador Panelo ang mga sinabi ni Castro at sinabi nito na walang pagbabanta at hindi rin binanggit ng dating pangulo ang pangalan ni Castro.
Ayon sa mga abugado ni Castro malakas ang magiging laban nila kay Duterte lalo na wala na itong presidential immunity.
