4 Festival dances mula sa Naga at Camarines Sur, sasabak sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon ngayong araw!

NAGA CITY- Pinaghandaang mabuti ng apat mga contingent mula sa Naga Camarines Sur ang makulay na Kasanggayahan Festival 2023: Festivals of Festivals Competition sa Sorsogon.

Magpapakita ng galing sa cultural festival dance ang mga kalahok tulad ng entry ng Baao Camarines Sur na Kamuy-an Festival, Tinagba ng Iriga City, Kaogma Festival naman sa Probinsya ng Camarines Sur at Voyadores Festival sa Naga City.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sinabi sa Brigada News FM ni Naga City Councilor Joe Perez na nakita niya ang pagpapagod ng mga estudyante sa pag-eensayo, pati ng mga nagsasanay sa mga ito.  Kita rin an kaba at pagkasabik habang dala ang kanilang mga props na pinagpuyatan ng mga guro, magulang at mga kapwa estudyante.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ayon kay Perez, ginastusan din ng LGU Naga ang transportasyon, pagkain at iba pang pangangailangan. Nais nila na maiuwi ang kampeonato pero alam nilang magagaling din ang ibang kalahok.

Tumatangingting na PHP 1,000,000.00 ang grand prize at mayroon ring mga special awards.