Pilipinas, suportado ang Israel sa hidwaan nito sa militanteng grupong Hamas

Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng kanyang administrasyon para sa Israel sa hindi raw makataong pag-atake ng teroristang militanteng grupong Hamas.

Sinabi ito ng Pangulo nang makaharap niya si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Malacañang.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa kabila nito, pinasalamatan ni Marcos ang Israel, partikular ang Israeli Defense Forces, sa pag-resuce sa mahigit 20 Pilipino at paghatid sa kanila sa kaligtasan at seguridad.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ipinaalam ni Fluss kay Marcos ang pinakabagong impormasyon sa mga pag-atake ng mga militanteng Hamas laban sa bansang nasalanta ng digmaan.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sa ngayon, wala pang rekomandasyon ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpapatupad ng mandatory evacuation ng mga Pilipino mula sa Israel.