Medical Oncologist ng CNPH magsasawa ng konsultasyon simula ngayong araw hanggang bukas

CAMARINES NORTE – Inanunsiyo ng pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital na magsasagawa ng konsultasyon ang kanilang Medical Oncologist na si Dr. Kristine Tejada simula ngayong araw, October 11 hanggang bukas, October 12.

Magsisimula ang konsultasyon simula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Gaganapin ito sa Ground floor ng bagong OR building.

Nag abiso naman ang CNPH sa mga magpapakonsulta na mag private message sa kanilang official facebook account para magpalista.

Samantala, magkakaroon naman ng Breast cancer awareness Forum sa Outpatient Department sa biyernes, October 13.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ngayong Oktubre ay inoobserba ang Breast Cancer Awareness  Month na isang  global effort para lumikha ng kamalayan patungkol sa breast cancer.

Itinalaga ang Oktubre bilang ‘Pink Month’ kung saan nagaganap ang mga kaukulang pagkilos para maturuan lalo na ang mga kababaihan tungkol sa breast cancer.