Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na labing lima katao ang nasawi habang tatlo naman ang nakaligtas sa sunog sa isang pagawaan ng t-shirt sa Kennedy Drive sa Pleasant View Subdivision sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City kaninang umaga.
Ayon sa BFP , kabilang sa nasawi ang isang 3 taong gulang na batang babae.
Itinaas ng BFP ang unang alarma kaninang 5:30 ng umaga, alas 8:04 naman nang maideklara itong fireout.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog.
Patuloy din ang ginagawang identification ng PNP SOCO sa mga nasawing indibidwal.