Babae sa South Korea, matagumpay na nakakuha ng driver’s license sa kabila ng 960 beses na pagbagsak sa pagsusulit

Tunay ngang kahanga-hanga ang mga taong napupursige upang makamtan ang kanilang mga ninanais sa buhay.

Isang babae kasi kamakailan sa South Korea, ang naabot ang kaniyang hangarin na makakuha ng driver’s license sa kabila ng 960 beses na pagbagsak sa pagsusulit.

Ang babaeng nagngangalang Cha Sa Soon  ay walang humpay na kumuha ng nasabing pagsusulit dahil sa tuwing hindi niya ito naipapasa ay agad naman siyang sumusubok muli.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Hanggang sa inabot siya ng tatlong taon na araw-araw kumukuha ng pagsusulit o limang beses sa isang linggo.

Nang umabot sa ika-limang taon, nakapasa na umano siya sa written test kung saan 860 beses niya itong sinubukan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ganupaman, kinaharap niya ang panibagong hamon kung saan, ang practical driving test.

Dito na siya inabot ng 960 beses bago niya matagumpay na nakuha ang pinaka inaasam-asam na driver’s license at sa edad na 69-taong gulang.

Dahil dito, maraming netizens ang nakabasa at humanga sa inspirational story na ito ni Cha na kumalat sa mangiba-ibang platforms online.###|WENCY LISAY