Higit P600K halaga ng iligal na droga, nasamsam sa Batangas City

Nasamsam ng mga otoridad ang nasa mahigit P600,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu mula sa isang high value individual na naaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy Alangilan, Batangas City, madaling araw ng Martes, kahapon.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang suspek na si Edsel Hijo Melo, alyas “Torne”, 44 anyos, itinuturing na High Value Individual (HVI) na tulak at residente ng Jasmin Drive, Analyn Subdivision ng nabanggit na barangay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinabi sa Brigada Batangas ng naturang himpilan na narekober mula sa suspek ang apat na malalaking pakete ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa 90.3 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P614,000.

Narekober din sa suspek ang 1,000 pesos bilang buy-bust money.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nasa pangangalaga na ng Batangas Provincial Forensic Unit ang nakumpiskang mga droga para sa gagawing laboratory examination. 

Batay sa report, matagal nang minamanmanan ang umano’y tulak bago ikinasa ang operasyon.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.