Jemboy Baltazar, ililibing ngayong araw

Ililibing na ngayong araw ang mga labi ng biktima ng mistaken identity na si Jemboy Baltazar sa La Loma Cemetery sa Quezon City.

Dinagsa ng mga bisita ang huling gabi ng burol nito kagabi.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Kasabay nito, napasugod naman sa Navotas City Police Station ang pamilya ni Jemboy, kasama ang ina ng biktima na si Rodaliza Baltazar.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Ito’y upang tiyakin na nakakulong ang mga pulis na sangkot sa pamamaril ng kanyang anak.

Sa isang panayam, pinasalamatan naman nito Senador Raffy Tulfo sa pagtulong sa pamilya Baltazar na makamit ang hustisya para kay Jemboy.