902nd Infantry Brigade nakiisa sa Brgy Tulay Na Lupa Culminating Program ng ika-90 anibersaryo at ika-15 Buro-Buro Festival sa bayan ng Labo Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nakiisa sa Brgy. Tulay na lupa Culminating Program ng ika-90 anibersaryo at ika-15 buro-buro festival sa bayan ng Labo, Camarines Norte ang 902nd Infantry Brigade sa pamumuno ni Brigadier General William Peñafiel Jr.

Ang nasabing pagdiriwang ay isinagawa sa loob ng walong araw mula ika-01 hanggang ika-08 ng Agosto kung saan iba’t ibang aktibidad at kaganapan sa barangay ang isinagawa katulad ng Opening Parade, Ms. Buro-Buro, Fun Bike, Zumba Fitness Dance, Barangay Night, at Tree Planting.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa walong araw na pagdiriwang na ito ay nakiisa at nagbigay ng tulong sa seguridad ang 902nd Infantry Brigade kasama ang Labo MPS.

Bahagi ng programa ang oathtaking ng mga bagong opisyales ng purok, koronasyon ng Binibini at Ginang Tulay na Lupa at awarding ng pinakamalinis at pinakaberde na purok at gulayan sa barangay ng Tulay na Lupa.  

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa mensaheng hatid ni Brigadeir Gen. Peñafiel Jr. ay binati nito ang mga opisyales ng Barangay at mga taga-Tulay na Lupa sa matagumpay at mapayapang selebrasyon ng Buro-buro Festival at ng kanilang ika-90th Founding Anniversary. Ipinarating nya din na ang 902nd Brigade ay palaging makikipagtulungan sa kapulisan at sa lokal na pamahalaan upang patuloy na makapagbigay ng tulong at seguridad sa mga mamamayan ng Barangay Tulay na Lupa at sa buong lalawigan ng Camarines Norte.