Nanawagan si South Korean President Yoon Suk Yeol sa pagpapalakas ng pwersa ng mga kapulisan matapos ang sunod-sunod na pananaksak sa bansa, na nakikilalang mababa ang kriminalidad.
Ang pangalawang “mass stabing” sa SK ay nangyari sa department store ng Bundang, na nagdulot ng dalawang taong nasa kritikal na kondisyon.
Ayon kay Pres. Yoon, ang pag-atake na ito ay isang gawaing terorismo laban sa mga inosenteng mamamayan.
Dagdag pa nito, kinakailangan nang i-mobilize ang kapulisan upang mapantili ang kaligtasan sa mga pampublikong lugar.
Ilang oras lang nang matapos ihayag ng presidente ang anunsyo, may nangyari ulit na pananaksak sa Daejeon sa isang high school teacher.
