Barangay kagawad, nakatakas sa operasyon kontra Tupada sa Batangas; 2 kasama, arestado

BALAYAN – Arestado ang dalawang kalalakihan habang nakatakas naman ang isang barangay kagawad sa ikinasang police operation kontra iligal na sabong o tupada sa Brgy. Munting Tubig sa Balayan, Batangas.

Kinilala ng Balayan Municipal Police Station ang mga naaresto na sina Juan Alicante, 71 anyos, residente ng naturang barangay at Luis Velasco, 45 anyos, residente ng Brgy. Caloocan ng naturang bayan.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Nakatakas naman ang barangay kagawad na si Victorino Butiong y Pagcaliwangan na residente rin ng naturang barangay.

Narekober mula sa mga ito ang tatlong manok na panabong, dalawang tari at perang nagkakahalaga ng 1,480 pesos.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Nakakulong na ang dalawa sa custodial facility ng naturang himpilan habang pinaghahanap na ang nakatakas na barangay kagawad.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 449 o ang Anti-illegal Cockfighting Law. | Mike Salgado