San Carlos Bishop Alminaza, ika-11 obispo na tinamaan ng COVID-19 ayon sa CBCP

Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na inanunsyo ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon sa CBCP, si Alminaza na ang ika-11 Filipino bishop na nagpositibo sa COVID-19.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sinabi naman ni Alminaza na pagkakataon na niya ito na makisama sa mga nahawaan ng nakamamatay na virus.

Tiniyak ni Alminaza na nakukuha niya ang pinakamahusay na atensyong medikal.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Humiling naman ang 61-anyos na prelate ng dasal para sa mabilis na paghilom ng lahat ng COVID-19 patients.

Samantala, papalit muna ang Vicar General ng San Carlos diocese na si Msgr. Erwin Magnanao sa mga administratibong tungkulin ni Bishop Alminaza.