Lalaking lumabag sa animal welfare act, naharang ng pulisya

NAGA CITY- Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang aso matapos itong isinilid sa isang sako. Patay ang isa sa mga aso at ang isa naman ay natagpuang nag-aagaw buhay.

Batay sa report ng Nabua Municipal Police Station habang nagpapatrolya, nahuli nila si Jesus Fortuno y Orasa, 56 years old at narecover ang isang sako na laman ang mga aso na kakatayin sana ng suspect at ibibenta.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Ayon sa pulisya, dumarayo pa ang suspect mula sa karatig na mga lugar para bumili ng mga aso at kaniya namang isinisilid ang mga ito sa sako at isinasakay sa likod ng kaniyang bisikleta.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Wika ng suspect, alam niya ang Animal Welfare Act, nagagawa niya lang ito para may pangtustos sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Nalabag ng nasabing  ang Animal Welfare act of 1998 at nasa kustodiya na ito ng Nabua MPS para sa kaukulang disposiyon.