NEDA, nakikitang ‘minimal’ pa lang ang impact ng El Niño sa ekonomiya ng bansa

Inaasahang wala pang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang nakaambang pagtama ng El Niño ngayong taon.

Sa Saturday News Forum – sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na wala pang magiging epekto ang mararanasang dry spell sa paggalaw ng inflation rate o sa presyo ng mga bilihin.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Nilinaw niya na posibleng sa unang bahagi pa ng susunod na taon mararanasan ang epekto ng El Niño.

Paliwanag ni Edillion, aasahan pa ang patuloy na pagbaba ng inflation rate hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Dagdag pa niya, maraming mga magsasaka na ang posibleng tapos nang makapagtanim at hindi na mangailangan ng irigasyon pagdating ng naturang panahon.

Ayon sa assessment ng NEDA ay bababa ang inflation rate ng 2% hanggang 4% mula sa kasalukuyang 5.4%. // YMB