APSEMO, naghahanda sa posibleng lahar flow; 40mm rainfall per hour, posibleng indikasyon ng paglikas

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa posibleng mangyaring mapanganib na lahar flow dulot ng patuloy na pag-ulan.

Ayon kay APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, kanilang nang mino-monitor ang sukat ng dami ng ulan na ibinabagsak bawat oras dahil ito ang magiging batayan ng pagdaloy ng lahar.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Kanyang ipinaliwanag na kapag umabot na sa 40mm rainfall per hour, indikasyon na ito para magsagawa ng paglilikas ng mga residenteng posibleng daanan ng lahar flow.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Aniya, higit na mapanganib naman ang posibleng maranasang lahar flow kapag umabot pa sa 60mm bawat oras ang rainfall

Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng tanggapan ang sitwasyon ng Bulkang Mayon at sila’y nagpaplano na ng mga aksyon katuwang ang PHIVOLCS at PAGASA.