PNP, iginalang ang pagbabawal sa POGO operations sa Valenzuela

Ginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na ipagbawal ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa kanilang lungsod.

Ito’y kasunod ng pagpapasa ng ordinasa ng Sangguniang Panlungsod laban sa operasyon ng POGO.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Redrico Maranan, nirerespeto nila ang desisyon ng LGU sapagkat sila ang mas higit na nakakaalam sa makakabuti sa kanilang nasasakupan.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Kasabay nito, tiniyak ni Maranan sa publiko na patuloy nilang ipatutupad ang kanilang mandato na hulihin, kasuhan at ikulong ang mga masasangkot sa iligal na gawain.