Frasco, dapat mabigyan ng chance – Angara

Naniniwala si Senator Sonny Angara na kapansin-pansin sa muling pagbangon ng industriya ng bansa pagdating sa turismo ang pagbibigay ng kakayahan ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco sa kanyang trabaho.

Ayon pa kay Angara, sa kabila ng malaking kontrobersyal na kinasangkutan ni Secretary Frasco, ang importante aniya ay agad nitong tinugunan ang isyu, at tiniyak na walang pondo ng bayan ang masasayang.

Read More:  Marcos allocates P300 million for Tarlac City bridge repairs

Samantala, ibinahagi ng senador na nakapagtala na rin ng mahigit 2 milyong international visit arrival ang bansa mula noong Enero hanggang sa kalagitnaan ng Mayo ngayong taon.

Read More:  PAGASA warns of heavy rains across Luzon through National Heroes’ Day

Lumagpas na ito sa kabuuang 1.7 milyong target ng DOT ngayong taon.

Naniniwala ang mambabatas na lalago pa ang turismo ng bansa at malalaman ng mundo ang maraming dahilan para mahalin ang Pilipinas.