Walang deadline sa agricultural smuggling investigation – PBBM

Hindi raw magbibigay ng palugit si Pangulong Bong Bong Marcos sa special task force na binubuo ng Department of Justice at National Bureau of Investigation para imbestigahan ang umiiral na agricultural smuggling sa Pilipinas.

Ayon kay Marcos, hindi siya mahilig magbigay ng deadline, pero nais niyang mapabilis ang imbestigasyon sa kaso.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Dagdag pa niya, hindi dapat hilaw ang resulta ng isasagawang pagsisiyasat.

Dahil dito, hahayaan umano ng Pangulo ang special task force na ipagpatuloy lamang ang kanilang imbestigasyon.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Samantala, nanindigan na si Marcos na mayroong malaking sindikato sa likod ng agricultural smuggling at patuloy daw na sinasabutahe ang ekonomiya ng bansa.