Sports Academy palalakasin pa ng Naga City Government

NAGA CITY – Kinumpirma ngayong umaga ni City Mayor Nelson Legacion na may nakatakda silang mga plano para sa lalo pang pagpalakas pa sports academy sa lungsod.

Isa ito sa naging pangunahing agenda sa ginawang MNDC regular meeting noong nakaraang linggo na dinaluhan ng mga Alkaldeng miyembro na karamihan ay mula sa 3rd district.

Ayon sa Alkalde, hindi lang mga atleta sa lungsod ang mabebenepisyuhan sa oras na maisaayos ng maigi ang mga nakapalaman sa rules and regulations, pati na rin ng mga programa sa sports academy

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Napag-usapan din ang pondo para sa project na ito, may ilang mga Senador ang nakatakda nilang lapitan para hingian ng tulong pinansiyal.

Kaugnay nito, kanina sa flag raising ceremony sa city hall,Ipinakita ng Alkalde ang dokumentong nagpapatunay na ang sampung ektaryang kinatatayuan ng Pacol Sports Complex na ngayon ay pag-aari na ng City Government.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Na-itransfer na nila ang titulo ng lupa mula sa nag-donate nito ang pamilya Mercado, matapos ang matagumpay nilang negosasyon.

Taon pang 1990’s ng idonate sa City Government ang naturang lote at ngayon lang na taon natituluhan.