16-anyos na estudyante sa Pili, Camarines Sur, nakunan ng marijuana sa loob ng paaralan

CAMARINES SUR- Huli ang 16-anyos na binatilyo sa pagkuha ng dahon ng marijuana sa Pili, Camarines Sur.

Sa salaysay ng guwardiya na si Jun Galvante sa Principal, matapos ang flag raising ceremony kaninang umaga Hunyo 26, 2023 nakita niya ang binatilyong si “Boy” na may kinukuha sa taong nasa labas ng gate ng paaralang pang sekondarya.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Una, hindi muna pinansin sa pag-aakalang baon lamang, pero nang sitahin na, doon na nagduda ang guard daan upang rikisahin ang gamit. Nakuha ang dahong nakalagay sa papel na pinaniniwalaang marijuana, todo tanggi naman ang estudyante na kanya ito, napag-utusan lamang umano.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Dahil sa pangyayari, mas maghihigpit ang mga guwardiya upang hindi malihis ng landas ang mga mag-aaral.