Idiniin ng Alliance of Concerned Teachers o ACT na mayroong ‘chilling effect’ sa mga gruo ang ginawang memo ng Department of Education (DepEd) para sa umano’y pangongolekta ng mga pangalan ng mga teachers na miyembro ng naturang unyon.
Ito ay kahit itinanggi na ng DepEd na profiling ang ginawa nilang memo dahil para lamang daw ito sa availees ng Automatic Payroll Deduction System (APDS) para matugunan ang mga reklamo ng inaccurate at kuwestyonableng mga salary detuctions para sa loan remittances at mga membership dues.
Ayon kay ACT national chairperson Vladimer Queta – isa raw itong malinaw na ‘intimidation’ at tila’y pagcu-curtail sa karapatan nila bilang isang organisasyon.
DepEd, muling dumipensa
Muli namang dumipensa ang Department of Education (DepEd) hinggil sa isang memo kung saan ay pangongolekta ng pangalan ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, ang naturang memo ay hindi partikular na tuma-target sa mga members ng naturang unyon.
Muling nilinaw ni Poa na ang pangongolekta ng mga pangalan ay para malamng sa pagsasa-ayos ng kanilang human resource system.
Hindi rin daw ito bagong listahan, bagkus ay ‘yung existing na, na mga availees ng Automatic Payroll Deduction System (APDS).
