DILG, tiniyak ang repatriation ng mga labi ng WW2 Japanese soldiers’

Tutulong ang pamahalaan na maiuwe ang labi ng mga sundalong hapon  na nasawi sa Pilipinas noong World War II.

Sa isang pulong sa mga Japanese Officials, tiniyak ni DILG Sec. Benhur Abalos ang kahandaan ng bansa para maayos maisakatuparan ang recovery at repatriation ng Japanese war-dead remains.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Nasa strategic position na aniya  ang DILG para sa  well-coordinated na hakbang para matukoy ng local government units kung saan nakahimlay ang ilang mga labi.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Noong 2018, nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang isang memorandum of cooperation sa “collection, handling, storage, and shipment” ng mga labi ng mga sundalong Hapon.

Ayon kay Abalos,  mayroong mahigit 300,000 na labi ng mga sundalong Hapones na namatay sa digmaan ang nakalibing pa sa bansa.//CA