Kris, inaming walang consent ang pagsasapubliko ni Leviste ng kanilang relasyon

Inihayag ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na walang pahintulot niya ang pagsasapubliko ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ng kanilang relasyon.

Nauna nang nabanggit ni Leviste sa isang panayam na mahalaga sa kanya ang pansariling kasiyahan at ang pagkakaroon ng inspirasyon.

“A happy vice governor, makes a happy province,” ani niya.

Read More:  Robi Domingo confirms reconciliation with John Lloyd Cruz

Nang matanong naman si Leviste kung masaya ba siya ngayon, sumagot naman ito na “hindi lang happy, full of love, love, love!”.

Dahil dito, naging usap-usapan kung ano nga ba ang relasyon ng dalawa at matapos ang ilang araw ay nagpost sa Instagram si Kris.

Read More:  Ruffa Gutierrez debunks death rumors about mom Annabelle Rama

Sa Instagram post nakalagay ang quote na “Nothing can bring you peace but yourself” na galing sa American writer na si Dale Carnegle.

Paglilinaw ng aktres na tulad ng ibang relasyon, sila rin ay kasalukuyang nag-aadjust sa isa’t isa at nakakaranas din ng mga hindi pagkakaunawan. // AC