Lolo, arestado sa kasong 4 counts of sexual assault sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lolo sa Purok 4, Brgy. Bangkilingan, Tabaco City dahil sa 4 counts of sexual assault na may kinalaman sa pang-aabuso.

Kinilala ang akusado na si alyas “Fernando”, 69 taong gulang at residente ng nasabing lungsod.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Ayon sa report, pinuntahan ng mga otoridad ang kinaroroonan ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest dahil sa nabanggit na kaso.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Aabot naman sa PHP200,000 ang inirekomendang piyansa sa bawat kaso.

Ddinala ang akusado sa Tabaco CPS para sa kaukulang disposisyon.