Bilang ng mga nagkakasakit sa loob ng evacuation center sa Ligao City, pumalo na sa mahigit 100

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 104 ang bilang ng mga nagkakasakit sa loob ng evacuation center sa Ligao City simula noong sila ay ilikas mula sa 6 kilometers permanent danger zone.

Ayon kay Ligao City Health Office head Dr. Wynns Samar, karamihan sa mga nagkakasakit sa nasabing pasilidad ay mga bata at senior citizens, dahil sila ang madaling kapitan ng mga sakit tulad ng ubo, sipon, lagnat at iba pa.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Aniya, halos wala itong pinagkaiba at pare-pareho lamang ang kanilang nararanasan kahit sa loob ng evacuation center.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Tanging binabantayan ngayon ng tanggapan ang pagdami ng mga sintomas tulad ng pagtatae, infection at COVID-19 symptoms.

Sinabi pa ng opisyal, kapag mayroong ubo at sipon, agad nila itong kinukunan ng swab test.