PNP, lumagda sa isang kasunduan kasama ang isang online selling platform para matugis ang iligal na pagbebenta ng police uniform

Hihigpitan na ng Philippine National Police (PNP) ang regulations para sa pagbebenta ng mga uniporme ng kapulisan online.

Ito ay kasunod ng paggamit ng mga police uniforms sa iba’t ibang mga krimen lalo na’t nabibili lang pala online ang kanilang uniporme, insignias, at iba pang tanda ng isang pulis.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ito ay kahit na mayroon nang Executive Order 297 na nagbabawal sa apggawa at pabebenta ng PNP items lalo na sa mga hindi aktibong miyembro ng PNP.

Ngayong araw, lumagda sa isang kasunduan ang PNP at ang online selling platform na Lazada.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda na ang iligal na pagbebenta ng mga PNP uniforms ay isa raw banta sa seguridad ng mga Pilipino, at nakokompromiso rin ang integridad ng kanilang institusyon. (Brigada Intern-JC Javier)