Bishop Alarcon may mensahe sa mga kabataan sa pagdiriwang ng Solemnity of Corpus Christi

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng mensahe sa mga kabataan si Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa pagdiriwang ng mga katoliko sa buong mundo ng Solemnity of Corpus Christi nitong Linggo, June 11.

Sa kaniyang homily, binigyang pansin ni Bishop Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Episcopal Commission on Youth ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga kabataan sa pagdiriwang ng banal na misa.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Hangad umano ng Obispo na maging matatag ang mga kabataan at ihanda ang sarili sa pag- aalay ng mga sakripisyo para sa kapwa lalo na kapag dumating ang panahon na sila naman ang magiging lider ng sambayanan at maging mga magulang.

Dagdag pa ng Obispo na tama lang ang ginagawa ng mga magulang na dalhin ang mga kabataan sa simbahan upang matuto at mahubog sa pananampalataya.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Isa raw kasi sa panganib ngayong panahon ay hindi na marunong magbasa ng mga simbolo ng pananampalataya ang mga kabataan kaya hindi rin ng mga ito nakikita ang kahalagahan ng lituthiya.

Ang pagdiriwang umano ng Corpus Christi ay pagpapaalala ng totoong presensya ng Diyos sa banal na misa na tinatanggap ng mga mananampalataya sa komunyon.