Lalaking target sa ikinasang Search Warrant Operation sa bayan ng Capalonga Camarines Norte, arestado

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalaking target sa ikinasang Search Warrant Operation sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte

Dakong 4:30 ng umaga nitong Hunyo 9, 2023 nang magsagawa ng search warrant operation ang mga tauhan ng Capalonga MPS kung saan naaresto ang suspek sa kanyang tahanan sa Purok 7, Brgy Ubang, Capalonga, Camarines Norte.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Naaresto ang suspek na si alyas “ROY” 45 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha sa operasyon ang anim na piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” at isang piraso ng lighter at

isang piraso ng nakarolyong aluminum foil at dalawang lighter na nakapaloob sa isang kulay brown na teddy bear.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang mga nasamsam na iligal na droga ay may tinatayang timbang na 0.5 gramo na may street value na umaabot sa Php 10,000.00.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya na Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon at paghahanda ng mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.