8 kaso ng COVID-19, naitala sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Umabot sa 8 ang naidagdag sa mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Sa datos ng ahensya, parehong dalawang kaso ang naitala sa Daraga at Legazpi City; at pawang tig-iisa naman sa Bacacay, Oas, Tabaco City at Tiwi.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Wala namang naiulat na bagong paggaling o pagkasawi dahil sa naturang sakit.

Read More:  Three CTG members surrender in Caraga as Army unearths arms cache

Samantala, pinapaalalahanan pa rin ng ahensya ang publiko na hindi pa tapos ang pandemya at may mga banta pa rin ito sa kalusugan ng tao, kaya’t mainam pa rin na sumunod sa lahat ng health protocols at magpabakuna.