Pang gabing traffic enforcers, inideploy sa Angeles City para mabawasan ang mga DUI

Nag deploy ang Angeles city ng mga pang gabing traffic enforcers.

Ito ay para masawata ang mga motoristang nagmamaneho ng naka inom o driving under influence.

Ang mga night shift traffic enforcers ay magtatrabaho mula alas syete ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw.

Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Layunin nitong hindi lang mabawasan, kundi talagang maiwasan ang mga aksidente sa gabi na dulot ng pagmamaneho ng lasing.

Read More:  Philippine Serpent Eagle rescued in Kidapawan

Ayon sa Angeles city disaster risk reduction and management office o ACDRRMO, nakapag tala sila ng 321 na aksidente sa kalsada mula November 2022 hanggang May 24, 2023 dahil sa mga motoristang driving under influence.