Govt, target mahuli ang mga sindikatong sangkot sa ilegal na droga

Ipaprayoridad umano ng administration ang pagkahuli ng mga sindikatong sangkot sa illegal drug trade para masolusyonan ang problema ng bansa pagdating sa ilegal na droga.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, iimbestigahan ng pamahalaan ang mga taong kailangang maparusahan.

Read More:  Marcos laughs off Sara Duterte’s claim that administration is blocking 2028 elections

Ito ay kasabay ng paniniwala umano ni Marcos na ang ‘main player’ sa  illegal drug trade ay hindi iyong mga nakikita lansangan na gumagawa ng small-time drug trade, kung ‘di mga sindikatong nakakukuha ng kapangyarihan at impluwensya.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na kailangang pag-aralan kung sino ba talaga ang dapat imbestigahan at kung sino ang dapat maparusahan.

Sa kanyang pagdalo sa Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum, binigyang-diin niya na mas naging malakas, matibay, at influential na ang mga sindikato. //MHEL PACIA