2 Senador, suportado ang hindi pagpapalawig ng  April 26 deadline para sa SIM registration

Suportado ng dalawang senador ang hindi na pagpapalawig ng April 26, 2023  deadline para sa SIM registration.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na isa sa prime mover ng SIM Registration Act,  hindi naman talaga aabot ng 100 percent ang SIM registration dahil maraming tao ang may multiple prepaid SIM cards.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sinabi naman ni  Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, sapat na ang panahong ibinigay sa mga subscriber na iparehistro ang kanilang SIM.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Paliwanag ng mambabatas, ang layunin ng batas ay ang matukoy ang mga lehitimong SIM user sa mga hindi lehitimo at ginagamit lang ito sa panloloko at iba pang kalokohan.

Hanggang nitong April  23, ayon sa DICT,  mayroon nang 82,845,397 o 49.31% subscribers ang rehistrado.