Suportado ng dalawang senador ang hindi na pagpapalawig ng April 26, 2023 deadline para sa SIM registration.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na isa sa prime mover ng SIM Registration Act, hindi naman talaga aabot ng 100 percent ang SIM registration dahil maraming tao ang may multiple prepaid SIM cards.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, sapat na ang panahong ibinigay sa mga subscriber na iparehistro ang kanilang SIM.
Paliwanag ng mambabatas, ang layunin ng batas ay ang matukoy ang mga lehitimong SIM user sa mga hindi lehitimo at ginagamit lang ito sa panloloko at iba pang kalokohan.
Hanggang nitong April 23, ayon sa DICT, mayroon nang 82,845,397 o 49.31% subscribers ang rehistrado.