Pag-iisyu ng plastic card drivers license ng LTO, posibleng hanggang sa katapusan na lang ng buwan

Posibleng hanggang sa katapusan na lang ng buwan ang pag-iisyu ng plastic card drivers license ng Land Transportation Office o LTO.

Sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade, nasa 147,000 na lamang ang plastic card na hawak ng ahensiya sa buong Pilipinas at posibleng umabot na lamang ito hanggang ngayong Abril.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Inilabas na rin ng LTO ang pansamantala munang papel na ibibigay sa mga magre-renew at kukuha ng lisensiya sa harap ng kakulangan ngayon ng plastic card para sa driver’s license.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Ginagawa na rin raw ng ahensiya ang lahat ng kanilang makakaya para maresolba ang isyu.//CA