Teves muling hinamon ni Remulla na umuwi ng bansa at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya

Muling hinamon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended congressman Arnolfo Teves Jr., na umuwi at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Sinabi ni Remulla, kung ang isang tao ay guilty sa isang akusasyon ay iiwasan nila ito.

Samantala, hindi ikinatuwa ni Remulla nang tawagin umano ni Teves na “nakakatawa” ang imbestigasyon ng Justice Department sa mga pamamaslang sa Negros Oriental.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Sinabi ng opisyal na desidido pa rin ang gobyerno na ideklara siya bilang terorista kasunod ng pagkakasamsam ng matataas na kalibre ng baril sa kanyang tahanan.//CA