PBBM, nagpasalamat sa mataas na performance at trust ratings para sa administrasyong Marcos-Duterte

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa positibong resulta ng pinakahuling OCTA Research survey kung saan naitala ang mataas na performance at trust ratings para sa administrasyong Marcos-Duterte.

Read More:  PAGASA warns of heavy rains across Luzon through National Heroes’ Day

Mahigit 80 percent ng mga Pilipino ang nagtitiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ipinakita ng resulta ng survey na may 83% ang trust rating ng Pangulo habang 87% naman sa Pangalawang Pangulo.

Read More:  President Marcos urges Filipinos to live by heroic values

Ang pinakamataas na satisfaction rating ni Marcos ay nasa Visayas sa 89% habang si Duterte ay nasa Mindanao sa 92%.//CA